Umarangkada na ngayong araw ang Job and Business Fair sa lungsod ng Parañaque bilang bahagi ng paggunita sa ika-124th Independence Day.
Ayon sa Local Government Unit, mahigit 8,000 trabaho mula sa 58 participating employers ang naghihintay para sa mga aplikante na dadagsa sa Fortunata Village Clubhouse Gymnasium sa Barangay San Isidro.
Kabilang sa mapagpipiliang trabaho ang services sector, business process outsourcing, manufacturing, logistics at government agencies.
Ayon kay Public Employment Service Office o PESO Assistant Manager Amalia Martin, 500 hanggang 600 jobseekers ang inaasahan nilang lalahok sa job fair.
Paliwanag pa ni Martin na bukod sa makapagbibigay ng oportunidad sa unemployed, underemployed at displaced workers, ipinunto ni Martin na mahalagang hakbang ito tungo sa pagbangon ng pagnenegosyo at ekonomiya sa Parañaque.
Bukas ang job fair hanggang alas-4:00 ng hapon.
Ilan sa hired on-the-spot ang magkapitbahay na sina Prince Micheal Dingal at Joward Navela na natengga ng tatlo at limang buwan.
Payo pa ng PESO sa mga aplikante, huwag nang mamili ng trabaho basta’t maayos ang sahod at benepisyo, tiyaking kumpleto ang basic requirements o dokumento at humarap sa interview nang buo ang loob.