13-ANYOS NAGPATIWAKAL SA BAUANG, LA UNION DAHIL SA SAMA NG LOOB SA KANYANG PAMILYA

109
Laking gulat na lang ng pamilya ng batang lalaki na 13-taong gulang matapos magpatiwakal sa Brgy. Pugo, Bauang, La Union dahil sa dinaranas nitong sama ng loob sa kanyang pamilya.
Base sa naging imbestigasyon ng Bauang PNP, nagtungo sa kanilang banyo ang nakababatang kapatid nitong siyam na taong gulang at dito na tumambad ang katawan ng kanyang kuya na nakabigti gamit ang tali.
Ipinaalam niya ito sa kanyang mga kaanak na siyang nagdala sa biktima sa ospital ngunit sa kasamaang palad ay idineklara itong dead on arrival.

Kalaunan ay natagpuan nila ang mga suicidal notes ng biktima kung saan ay inilahad nito ang kanyang sama ng loob hinggil sa hindi patas na trato ng kanyang pamilya sa kanilang magkakapatid.
Hindi naman nakakita ng foul play ang awtoridad sa pinangyarihan ng insidente. | ifmnews
Facebook Comments