Job approval rating ni US President Trump, bumaba

34
Manila, Philippines – Patuloy ang pagbaba ng job approval rating ni US President Donald Trump.
 
Sa pinakahuling ‘gallup poll’, lumagapak sa 37 percent ang job approval rating ni Trump na mas mababa ng 6 percent kumpara noong nakaraang linggo.
 
Ayon sa mga eksperto, lalo pa itong naapektuhan dahil sa pahayag ni Trump sa imbestigasyon ng US Congress sa koneksyon umano ng ilang campaign associates sa Russia.
 
Ilang buwan na kasing kinukwestyon ang koneksyon ni Trump sa presidente ng Russia dahil sa pakikipagmabutihan umano nito sa Moscow.
 
Pero, giit ng White House, walang katotohanan na nakipag-ugnayan ang campaign team ni Trump sa Russia.
 
 

Facebook Comments