14 na Pinoy, pasok sa listahan ng pinakamayayamang tao sa buong mundo

191
Manila, Philippines – Pasok ang 14 na Pinoy sa listahan ng pinakamayayamang tao sa buong mundo batay sa Forbes Magazine.
 
Nangungunang bilyonaryong pinoy ay si Henry Sy na siyang may-ari ng SM Investment Corporation.
 
Nakuha ni Sy ang ika-94 na pwesto na pinakamayayamang tao sa mundo dahil sa net worth na 12.7 billion dollars.
 
Mas mababa ito kaysa sa net worth ni Sy noong nakaraang taon na nasa 13.3 billion dollars.
 
Sinundan naman ito ni John Gokongwei Jr. ng JG Summit Holding na nasa pang 250 pwesto na may 5.8 billion dollars na net worth.
 
Pumapangatlo naman at nasa pang 501 sa buong mundo si Lucio Tan ng Philippine Airlines na may kabuuang yaman na 3.7 billion dollars.
 
Kabilang din sa mga Pinoy na pasok sa listahan ay sina George Ty na may 3.5 billion dollars; Enrique Razon Jr. na may 3.4 billion dollars; Tony Tan Caktiong na may 3.4 billion dollars; David Consuji na may 3.1 billion dollars; Andrew Tan na may yaman na 2.5 billion dollars; Robert Coyiuto Jr. na may 1.5 billion dollars at dating Senador Manny Villar na may 1.5 billion dollars.
 
Kasam rin sina Ramon Ang, na may 1.4 billion dollars; Eduardo Cojuangco na may 1.2 billion dollars; Roberto Ongpin na may 1.1 billion dollars; Edgar Sia na may 1 billion dollars.
 

Facebook Comments