JOB FAIR | DOLE, planong magsagawa ng ‘reverse job fairs’ sa labas ng bansa

Manila, Philippines – Plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng reverse job fairs sa labas ng Pilipinas.

Ito ay dahil nangangailangan ng maraming manggagawa para sa ‘build build build’ infrastructure program ng Duterte Administration.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, layunin ng reverse job fair na hikayatin ang mga OFW na sa Pilipinas na lamang mag-trabaho.


Target aniyang ikasa ang reverse job fairs sa ilang destination countries kabilang ang Qatar at Saudi Arabia na gaganapin sa Setyembre o Oktubre.

Aabot sa 1.2 million na trabaho ang malilikha sa construction industry kada taon dahil sa maambisyosong infrastructure program.

Samantala, magsasagawa ng ‘jobs, jobs, jobs’ sa SMX Convention Center sa Pasay City sa Linggo, August 12 mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon.

Facebook Comments