Job Job Caravan sa Subic, dinagsa ng mga job seekers – DOTr

Higit sa 4,000 katao na gustong magkaroon ng trabaho ang nagpunta sa Job Job Job Caravan sa Subic Gymnasium kahapon.

Ang nasabing job fair ay proyekto ng Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF), DOLE at iba pang departamento ng gobyerno para sa paghahanda ng build build project ng administrasyong Duterte.

Alas 8 ng umaga nagsimulang tumanggap ng mga job seekers at natapos alas 4 ng hapon.


Sa 4,000 na nagpunta sa job fair kalahati dito ay dating manggagawa ng shipbuilder Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, ilan sa mga trabaho na maaring pasukan ay construction workers, welders, carpenters, engineers at administrative staff.

Kabilang sa na-hired on the spot ang mga dating manggagawa ng Hanjin na si Marino Alquino isang welder at Jade Antonio isang electrician

Kung maalala libu-libong empleyado ang nawalan ng trabaho matapos ma-bankrupt ang shipbuilder na Hanjin pero nais ng administrasyon na ilagay sila sa build build build project para hindi masayang ang kanilang talento at karanasan sa trabaho.

Facebook Comments