Jobless na Lalaki, Timbog sa Kasong Pagpatay!

*Mallig, Isabela- *Nasa kamay na ng mga otoridad ang isang lalaking wanted sa batas matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas syete ng gabi kahapon sa Brgy. Olango, Mallig, Isabela.

Ang akusado ay nakilalang si Zaldy Talosig, 58 anyos, walang trabaho at nakatira sa Brgy. Olango, Mallig, Isabela.

Dinakip ng mga kasapi ng PNP Mallig si Talosig sa pangunguna ni PSI Loreto Infante sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC branch 23, Roxas, Isabela dahil sa kasong Murder.


Dinala na sa himpilan ng pulisya si Talosig para sa dokumentasyon nito bago dalhin sa kanyang court of origin.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni zaldy Talosig.

Facebook Comments