Naghahanap ka ba ng trabaho? Gustong mag-apply kahit sa loob lang ng bahay?
Ito na ang kasagutan.
Mag-apply gamit ang inyong mobile phones, laptops at tablets sa tatlong araw na JobQuestPH VIRTUAL JOBS FAIR: Trabaho for every Juan na magsisimula ngayong araw July 6 hanggang July 8, 2021 mula alas-9am hanggang alas-9pm.
Labing isang kompanya mula sa BPO, real estate, bank, insurance, retail and local manpower agencies ang kalahok rito.
Kabuuang 1,150 naman ang bakanteng trabaho na pwedeng aplayan at bukas sa lahat ng aplikante.
Magregister lamang sa www.jobquest.ph at maaaring idownload ang app na JobQuestPH sa Google Play or App Store.
Handog ito sa inyo ng JobQuestPH, Department of Labor & Employment, Public Employment Service Office at ng inyong official radio partner DZXL 558 Radyo Trabaho, ang inyong gabay sa hanap-buhay.