JobQuestPH, nagsasagawa ng Year End Mega Virtual Jobs Fair ngayong araw

27

Umarangkada na ang Year End Mega Virtual Jobs Fair ng JobQuestPH ngayong araw.

Ayon kay Summer Reyes-Carullo, senior marketer ng MYMIMA Web Portal Service – 16 na kompanya ang kalahok sa job fair alok ang mahigit 130 job vacancies.

Kabilang sa mga iniaalok na trabaho ay may kinalaman sa technical engineering, business process outsourcing (BPO), real estate, medical industry, sales and marketing, financial at local manpower agency.


Katuwang nila sa nasabing virtual job fair ng Department of Labor and Employment (dole), Public Employment Service Office (peso) at syempre ang official radio partner nila, ang DZXL 558 Radyo Trabaho.

Para sa mga interesadong mag-apply, bisitahin lang ang www.jobquest.ph, maghanap ng latest job openings, magsumite ng resume at makipag-chat sa employers.

Tatagal ang virtual jobs fair hanggang sa Huwebes, December 16.



Samantala, sa 2022 target din nila na makapagkasa ng limang face-to-face job fair.

Facebook Comments