Magsasagawa ang pamahalaan ng job caravan sa Subic, Zambales sa susunod na buwan para matulungan ang mga manggagawang naapektuhan ng pagkalugi ng South Korean ship builder na Hanjin heavy industries and construction Philippines.
Ayon kay Anna Mae Lamentillo, Chairperson ng build build build infrastructure program committee nasa 17,000 na trabaho ang naghihintay sa job caravan na isasagawa sa Febuary 9 sa Subic Gymnasium.
Umaasa si Lamentello na ang Jobs, jobs, jobs caravan ay makakatulong sa mga apektadong manggagawa.
Ang Hanjin ay nagdeklara ng bankruptcy matapos bigong makapagbayad ng higit $400 million na bank loan.
Sa tala ng Labor Department, bumaba ang bilang ng Hanjin workers sa 3,745 mula sa 17,307 noong Marso 2018.
Nasa 65% o 1,801 na manggagawa ay mga karpintero habang 24% o 661 na manggagawa ay welder.
Ang Jobs, jobs, jobs, caravan ay pangungunahan ng finance, budget, public works, transportation, trade at defense department, maging ang National Economic and Development Authority (NEDA), Bases Conversion Development Authority (BCDA), at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA)