Ikinabahala ni Senator Win Gatchalian ang pananatili ng jobs-skills mismatch kahit tumataas ang budget ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa nagdaang sampung taon.
Sa pagtaya ni Gatchalian ay nasa P14 bilyon ang natatanggap ng TESDA sa mga nakaraang taon.
Pero dismayado si Gatchalian na may mga ulat pa rin na 70-80% na mga graduates ng TESDA ay nakakuha ng trabaho na hindi angkop sa kanilang naging pagsasanay o training.
Tinukoy rin ni Gatchalian ang Asian Development Bank o ADB na mula 2014 hanggang 2020 ang enrollment sa mga Enterprise-Based Training (EBT) programs, na isinasagawa sa mga kompanya ay umabot lamang sa 4%.
Dahil dito ay iginiit ni Gatchalian sa TESDA na tugunan ang mataas na antas ng jobs-skills mismatch sa mga nagtapos ng Technical-Vocational Education and Training.