Jodi Sta. Maria, tatlong oras daw na sumalang sa thesis defense

85

Matapos ang ilang taong pagsusunog ng kilay, ga-graduate na ang batikang aktres na si Jodi Sta. Maria sa kolehiyo.

Nabatid na simula 2017 ay nag-aaral na si Jodi ng BS Psychology sa Southville International School and Colleges kung saan nakatakda siyang magtapos ngayong taon.


Bago ito, ikinuwento ni Jodi sa kanyang social media account ang hirap na kanyang dinanas sa kanyang thesis defense.

Say ng aktres, hindi joke na mag-hot seat ng tatlong oras, bago maipasa ang kanyang final thesis defense nitong Linggo.

Pero were worth it naman daw ang mga sleepless night, mga sakripisyo at paper works dahil marching soon na siya.

Facebook Comments