Joe Biden, nanumpa na bilang US President at nangakong tatapusin ang “uncivil war”

Pormal nang nanumpa bilang ika-46 na presidente ng Estados Unidos si Joe Biden sa harap ng pagkakaroon ng dibisyon o pagkakahati-hati ng kanilang pulitika, bagsak na ekonomiya at COVID-19 pandemic.

Ginawa ni Biden ang Presidential oath sa harap U.S. Chief Justice John Roberts at nangakong papangalagaan, poprotektahan at ipagtatanggol ang kanilang Konstitusyon.

Nangako si Biden na ibabalik ang dating sigla ng Amerika at nanawagan sa kanyang mga kababayan na magkaisa sa panahon ng krisis.


Kabilang sa kanyang prayoridad ay $1.9 trillion plan na magpapalakas sa jobless benefits at magbibigay ng direct cash payments sa bawat pamilya.

Nasa 15 executive orders ang kanyang lalagdaan agad na may kinalaman sa pagtugon sa pandemya, ekonomiya at climate change.

Kabilang na rito ang mandatoryong pagsusuot ng masks sa federal property, pagsasagawa ng 100 million COVID-19 vaccinations, pagsali muli sa Paris Climate Agreement at ibasura ang travel ban sa ilang Muslim countries.

Tiniyak din ni Biden na tatapusin ang “uncivil war” na siyang naghahati ngayon sa kanlang bansa.

Dumalo sa inagurasyon ang sina dating president Barack Obama, George W. Bush at Bill Clinton.

Si Biden sa edad 78, ang pinakamatanda ng pangulo ng Amerika sa kasaysayan.

Facebook Comments