Joey De Leon, nag-sorry matapos ang naging pahayag tungkol sa depresyon

Manila, Philippines – Nag-sorry ang TV host/ comedian na si Joey De Leon kasunod ng naging pahayag nito tungkol sa depresyon.

Aminado raw siya na nagkamali siya sa pagmamaliit sa epekto ng depresyon sa tao.

Aniya, nadala lang siya ng gulo at tuksuhan nila ng mga kapwa niya host kaya naging mababaw at magaan ang pagtanggap niya sa isyu.


Katunayan, pinagalitan pa nga raw siya ng kanyang asawa at mga anak dahil dito.

At mas naunawaan niya kung gaano kaseryoso ang depression nang malaman niyang may mga kaanak at kaibigan din silang nasa ganitong kalagayan.

Una rito, inulan ng batikos si De Leon matapos na barahin ang winner sa segment ng isang noon time show na nagsabing may depresyon ang kanyang ina.

Aniya, gawa-gawa lang daw ng isang tao ang depression.

Facebook Comments