Mahigit isang-libong koleksyon ng mga toilet seat art sa Texas – for sale na

Texas – Ipinagbibili na ng 96-year old artist na si Barney Smith ang kakaiba niyang toilet seat art museum.

Ang museum ay binubuo ng mahigit 1,300 koleksyon niya ng mga toilet seat art na pinagpaguran niyang gawin sa loob ng mahigit 50 years.

Ipagbibili ito sa pamamagitan ng auction kung saan imbitado ang iba’t ibang digital gallery.


Handa raw siyang ibenta ito sa halagang 15,000 hanggang 20,000 dollars o katumbas ng mahigit isang milyong piso.

Pero ang kondisyon, dapat na masiguro ng buyer na mape-preserve ang kanyang mga koleksyon.

Kwento ni Smith, masyado na siyang matanda at mukhang hindi na niya kakayanin pang asikasuhin ang museum.

Habang wala pang buyer, bukas ang museum sa mga gustong bumisita rito, free of charge.

Facebook Comments