John Paul Solano, bibigyan ng hustiya ang hazing victim na si Atio

Manila, Philippines – Tiniyak ni John Paul Solano na makikipag-tulungan siya para sa ikakaresolba ng kaso ng hazing victim na si Horacio Castillo III.

Ito’y matapos siyang makalaya mula sa pagkakapiit sa Manila Police District.

Muli ring iginiit ni Solano ang kaniyang pagiging inosente sa pagkamatay ni Castillo.


Una na niyang sinabing wala siya sa initiation rites ng Aegis Juris Fraternity at ipinatawag lamang siya ng kaniyang mga “brod” noong naghihingalo na si Castillo.

Sa Oktubre 4 at 9 naman nakatakda ang paunang imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay ni Castillo.

Facebook Comments