John Paul Solano, isasailalim na sa medical checkup at mugshot; Perjury at paglabag sa anti-hazing law, kasong isasampa ng MPD laban sa kanya

Manila, Philippines – Tiniyak ni MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo na idadaan sa proseso si John Paul Solano kung saan ay isasailalim muna siya sa booking, medical checkup, mugshot, finger prints, at iba gaya ng mga ordinaryong suspek na nahuhuli ng mga otoridad.

Ayon kay Margarejo, ang mga kasong isasampa kay Solano ay paglabag sa Anti Hazing Law at Perjury dahil nagsisinungaling siya sa una nitong salaysay na nakita niya si Horacio Thomas Castillo III sa Balut, Tondo, Manila bago dinala sa Chinese General Hospital.

Si Solano ay dinala ng hepe ng MPD Homicide Division na si Sr. Inspector Rommel Anicete mula sa BCG patungo sa MPD Homicide Division para i-inquest at depende sa korte kung ano ang ikakaso kay Solano ito ba ay accomplish o kaya accessories.


Umapila rin si Margarejo sa mga kasamahan ni Solano na ito na umano ang tamang pagkakataon na sumuko na upang linawin ang kanilang partisipasyon sa hazing.

Facebook Comments