John Paul Solano, tiwalang hindi reresbakan ng kanyang ka-brad dahil sa mga isiniwalat sa Senado

Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ni John Paul Solano na hindi siya bubuweltahan ng kanyang mga kasamahan sa Aegis Juris Fraternity sa kabila ng kanyang ibinulgar niyang pangalan sa Senado kaugnay ng nangyaring initiation rites na naging dahilan ng kamatayan ni Horacio Castillo III.

Ayon kay Solano naniniwala pa rin siya sa kanyang mga frat at ang sinumpaan sa kanilang kapatiran na magdadamayan at hindi umano barbaric ang kanyang mga ka-brad.

Paliwanag ni Solano alam umano ng kanyang ka-brod ang kanyang ginagawa hindi bilang isang ka-brod o kapatiran ,kundi bilang isang first responder o pagrevived kay Atio, kung saan agad niya itong binigyab ng CPR.. sa loob ng 15-20 minuto subalit kahit sa ikatlong cycle pa lamang ng pagbibigay ng CPR ay wala na siyang makapang pulsi, kayat inihayag niya sa mga frat na Aegis Juris na kailangan nang dalhin sa pagamutan si Castillo.


Bilang matagal na umanong miyembro ng rescue volunteet team mula sa MMDA at Reserved Command ng AFP ay makailang beses na siyang nakapagsagawa ng CPR sa isang biktima ng isang emergency situation.

Nagpaabot naman ng kanyang pakikidalamhati si Solano sa pamilya ni Atio na ngayon ay nakatakdang ilibing mamayang hapon sa Manila Memorial Park sa Parañaque.

Facebook Comments