Napapatay sa patuloy na giyera sa Marawi City, umabot na sa 900

Manila, Philippines – Sumampa na sa 900 ang bilang ng mga napapatay sa higit 4 na buwang bakbakan sa Marawi City.

Batay sa tala ng Armed Forces of the Philippines, 707 na ang mga napapatay na terorista, 151 naman ang nalagas sa panig ng tropa ng pamahalaan habang 47 ang napatay na sibilyan.

Sa tantya ng AFP nasa 40 hanggang 50 pa ang mga terorista sa loob ng Marawi, kabilang dito ang mga lider na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.


Habang nasa 40 naman ang mga natitirang bihag na sibilyan na ngayon ay target ng rescue operation ng military.

Facebook Comments