Manila, Philippines – Pinagsisisihan ng prime suspek na si John Paul Solano sa pagpatay kay Horacio Castillo III ang pagtalima nito sa kanyang mga kapatiran sa Aegis Juris Fraternity.
Ayon kay Solano walang katutuhanang nagtago siya sa mga otoridad bagkos naglayas umano siya at mayroon pang pagkakataon na natulog siya sa kalye at naulanan.
Paliwanag ni Solano sa ilang araw siyang naglayas napagtanto nito na mali ang kanyang ginawa nang sundin nito ang utos ng kanyang ka-frat na sabihin sa mga otoridad na napulot niya si Castillo sa Balut Tondo at nagmamagandang loob lamang na dalhin sa Chinese General Hospital.
Giit ni Solano ang ikinalulungkot umano nito sa kabila ng kanyang pagtalima sa kautusan ng kanyang superior ay pakiramdam niyang iniwan siya sa ere.
Umaasa naman si Solano na ngayon araw ay magpapalabas ng resolusyon ang DOJ para sa kanyang pansamantalang kalayaan na lubha niyang ikasisiya.