Manila, Philippines – Inamin ni John Paul Solano na nagsinungaling siya tungkol sa mga detalye sa pagkamatay ni Horacio Castillo III.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Solano, tinawagan lang siya ng kaniyang mga kasamahan sa Aegis Juris Fraternity para isalba ang buhay ni Castillo.
Aniya, hindi rin siya kasama nang isagawa ang initiation rites kay Atio.
Ipinaliwanag rin ni Solano na sumunod lang siya sa utos ng isang frat member kaya iba ang nauna niyang statement.
Sinabi naman ni MPD Chief Supt. Joel Coronel, na nakatanggap sila ng report na itinanago ng ibang miyembro ng Aegis Juris ang ibang sangkot sa pagkamatay ni Castillo.
Naging emosyonal naman ang ama ng hazing victim sa pagdinig.
Giit ni Horacio Castillo Jr., mistulang hayop ang naging trato ng mga miyembro ng Aegis Juris fraternity sa kanyang anak.
Nanindigan si Horacio Jr. na hindi sila titigil sa paghahanap ng katarungan para kay Atio.
Nais din aniya nilang ilahad ng lahat ng sangkot sa krimen ang katotohanan para sa ikapapayapa ng kanyang anak.