John Paul Solano, walang VIP treatment – MPD

Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ni MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo na walang VIP treatment kay John Paul Solano taliwas sa mga napaulat na iba ang pagtrato umano ng MPD kay Solano kumpara sa ibang mga bilanggo na nakakulong sa naturang himpilan.

Ayon kay Margarejo walang katutuhanan na inilipat sa ibang kulungan si Solano at tinatratong VIP ito dahil pinapayagan naman umano ng Korte Suprema alinsunod sa kanilang desisyon na ilipat sa Temporary Custudial facilities ang isang inmates na iniimbestigahan pa ng MPD.

Malinaw umano ang kautusan ng Supreme Court na pinapayagan ng Kataas Taasang Hukuman na mailipat sa tinatawag na ” Temporary Custodial Facilities” ang isang bilanggo na iniimbestigahan ng pulisya para na rin sa kanyang kaligtasan.


Giit ni Margarejo na umaasa ang publiko na itatrato nila si Solano gaya ng pagkalinga nila sa ibang preso na nakakulong sa MPD dahil sa mga ibat ibang kaso.

Facebook Comments