John Prats, nakita na sa wakas ang kanyang anak na si Baby Forest

Courtesy: Instagram.com/@johnprats

Matapos ang isang buwan na wala sa pamilya, sa wakas ay nakita na ng aktor na si John Prats ang newborn daughter nito na si Baby Forest.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni John ang picture ni Baby Forest kung saan hawak nito ang kanyang maliit na paa.

May caption ang post na “Nahawakan din kita, Hello Baby Forest”.


Nabatid na sa unang pagkakataon ay wala si John sa tabi ng asawang si Isabel Oli nang manganak siya dahil isang buwang nasa out of town taping ang aktor.

Bukod kay Baby Forest na bagong miyembro ng pamilya Prats, may dalawa pang anak sina John and Isabel, ito ay sina Feather at Freedom.

Facebook Comments