Hit and Run: Lalaki, Patay Matapos Mabangga ng Humiwalay na Trailer Bed

41

Cauayan City, Isabela- Tuluyang binawian ng buhay ang isang lalaki matapos itong mabangga at takbuhan ng nakabanggang sasakyan kagabi sa pambansang lansangan sa bahagi ng Brgy. Harana, Luna, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Elizar Abad Jr., nasa hustong gulang, at reisidente ng Brgy. Paraiso, Cabatuan, Isabela.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, isang puting Estrada na may trailer bed ang bumabaybay sa pambansang lansangan patungong bayan ng Cabatuan, Isabela at habang bumabagtas ito ay humiwalay ang trailer bed at napunta sa kabilang linya.

Dito na nasalpok ang paparating na biktima na lulan ng motorsiklo at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Iniwan ng hindi pa nakikilalang suspek ang biktima matapos ang insidente.

Nakipag ugnayan na ang PNP Luna sa mga karatig na himpilan ng pulisya para sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip ng suspek.



Facebook Comments