Johnny Depp, humingi ng paumanhin kay US President Trump kaugnay sa kanyang hindi magandang biro

Manila, Philippines – Humingi ng paumanhin ang batikang aktor na si Johnny Depp sa kanyang naging biro kay US President Donald Trump sa naganap na Glastonbury Festival.

Ito ay matapos magbiro si Johnny sa harap ng mga dumalo sa naturang festival kung sino ang huling aktor na umasasinate sa isang presidente.

Nasabi ito ng aktor dahil sa mga maraming balita na na-iuugnay kay Trump.


Dahil dito, umani ng batikos ang aktor mula sa mga taga suporta ni Trump at ikinalungkot rin ng White House ang naging pahayag nito.

Depensa naman ng aktor, walang siyang masamang intensyon sa kanyang biro bagkus gusto lamang niyang mapasaya ang tao at hindi para makasakit ng damdamin.

Facebook Comments