Naghain na ng aplikasyon para sa Emergency Use Authorization o EUA ang Johnson and Johnson para sa kanilang bakunang Janssen.
Ayon kay Food and Drug Administration o FDA Dir. Gen. Eric Domingo, ini-evaluate na nila ang aplikasyon ng Johnson & Johnson.
Nauna nang sinabi ng pamahalaan na target nila ang 5 milyong doses ng Janssen vaccines, para sa COVID-19 vaccination program sa ating bansa.
Ang naturang bakuna kontra COVID-19 ay single-dose o isang dose lamang ang kailangan
Sa ngayon, ang mga bakuna na nabigyan na ng EUA ng FDA ay ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, CoronaVac ng Sinovac at Sputnik V.
Facebook Comments