Joint exploration, walang epekto sa pinagtatalunang West Philippine Sea

Nilinaw ni Energy Sec. Alfonso Cusi na walang epekto ang pinagtatalunang West Philippine Sea sa ginawang memorandum of understanding na pinirmahan ng China at Pilipinas dahil matagal na umano itong nakatengga na dapat ay agad na masimulan upang mapakinabangan ng mga Pilipino.

Ayon pa kay Secretary Cusi, ang Service Contract 59 o West Balabac 72 Recto Bank area na pinagtatalunan sa Spratly Island at 75 o sa Nortwest Palawan ay pagmamay-ari pa rin ng Pilipinas kaya’t walang dapat na ipangamba ang publiko hinggil dito at sa usapin naman ng hatian sa joint exploration 60/40 pa rin mapupunta sa National Treasury ang 60% habang sa bansang China naman mapupunta ang 40% na kikitain sa joint exploration ng dalawang bansa kung saan ang Forum Ltd. at ng China National Offshore Oil Corporation ay kabilang sa naturang negosasyon.

Matatandaan na sinuspinde ng administration ni dating Presidente Benigno Aquino III ang exploration activities ng West Philippine Sea noong 2014 habang nanalo naman ang Pilipinas sa Arbitral Case laban sa China noong 2016, kung saan naging matimbang o mainit ang relasyon ng Duterte administration sa China.


Nagpapasalamat din si Cusi kay Pangulong Duterte sa pag-apruba sa rekomendasyon ng Department of Energy (DOE) dahil kailangan umano ng bansa na mag-explore upang matugunan ang seguridad ng enerhiya sa bansa.

Sa ilalim ng Republic Act 7638 o ang Department of Energy Act of 1992, ang DOE ay mayroong kapangyarihan na magsagawa ng exploration sa likas yaman ng ating bansa.

Nilinaw rin ng kalihim ang usapin ng team sharing na wala umanong pinag-usapan doon tungkol sa sigalot ng West Philippine Sea na inaangkin ng China.

Giit pa ni Cusi na ang pag-alis ng Pangulo sa Moratorium ay nangangahulugan na marami nang mga dayuhang negosyante ang maglalagak ng negosyo sa bansa at makalilikha na ito ng maraming trabaho kung saan malaking tulong ito sa ekonomiya ng bansa sa gitna na rin ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Facebook Comments