Joint guidelines sa pag-aresto sa mga lumalabag sa health protocols, ilalabas ng DOJ bukas

Kasamang mapaparusahan ng mga lumalabag sa health protocols ang mga local government official na mabibigong magpatupad ng COVID-19 health rules.

Sa ilalim ng binuong joint guidelines ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Department of Justice (DOJ), minamandato ang mga opisyal ng barangay na ipatupad ang health protocols sa loob ng kanilang hurisdiksyon.

Kung magkaroon ng pagkukulang sa tungkulin, papaharapin sila sa criminal at administrative penalties sa ilalim ng Local Government Code.


Maaari rin silang maparusahan sa ilalim ng Revised Penal Code para sa “dereliction of duty”.

Bukas, nakatakdang ilabas ng DOJ ang joint guidelines.

Una rito, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto, pagkulong at pag-iimbestiga sa mga barangay captain na mabibigong ipatupad ang health protocols lalo na ang pagbabawal sa mass gatherings.

Facebook Comments