Joint maritime investigation sa nangyaring banggaan sa Recto Bank, iminungkahi ng China

Iminungkahi ng China na magkaroon ng joint investigation kasama ang Pilipinas hinggil sa banggaan sa Recto Bank sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Lu Kang – layunin nito na makamit ang resultang kikilalanin ng dalawang bansa.

Muli ring nanindigan ang Beijing na aksidente lang ang nangyaring salpukan sa pagitan ng mga sasakyang pandagat ng Pilipinas at China.


Tiniyak din ng China na masusi nilang iniimbestigahan ang pangyayari at nakikipag-ugnayan sa Pilipinas sa pamamagitan ng bilateral channels.

Pinapahalagahan ng China ang relasyon nito sa Pilipinas at kaligtasan ng mga tauhan sa karagatan, anuman ang lahi.

Facebook Comments