Manila, Philippines – Tuloy pa rin ang Joint Balikatan Exercises sa pagitan ng sundalong Amerikano at Pilipino sa darating na Abril.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, walang mababago dito dahil bahagi ito ng commitment ng Pilipinas para sa pagpapaunlad ng kapabilidad ng magkabilang panig sa larangan ng pagbibigay seguridad at humanitarian assistance.
Imbitado naman ang tropa ng Japan bilang mga observer.
Sa may 19 isasagawa ang closing ceremony ng nasabing Balikatan exercises.
Una rito, nagdulot ng pagkalito ang mga naging pagkontra noon ni Pangulong Duterte sa Estados Unidos kaya inakalang pati ang Joint Military Exercises sa pagitan ng tropang kano at Pinoy ay kanselado na rin.
Facebook Comments