Joint oil and gas exploration ng Pilipinas at China, isusulong sa susunod na administrasyon

Nakahanda ang China na ipagpatuloy ang negosasyon sa joint oil at gas projects sa South China Sea sa papasok na administrasyong Marcos.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang pag-uusap tungkol dito.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin, lumagda ng isang memorandum of understanding ang dalawang bansa noong Nobyembre 2018 para simulan ang mga negosasyon at gumawa ng mahalagang pag-unlad na nakapaloob sa framework na ito.


Aniya, ang plano ng dalawang bansa na joint offshore oil at gas development ay magpapatuloy kahit na magpalit pa ng lider ang Pilipinas, maliban kung ang bilateral na kasunduan ay bawiin.

Pagtitiyak ni Wang, ang China ay magsisikap na gumawa ng mahahalagang hakbang para makapaghatid ng mga benepisyo sa parehong mga bansa at mga tao.

Nabatid na wala pang pahayag si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung ipagpapatuloy niya ang nasabing negosasyon.

Facebook Comments