OWWA, handang tumulong sa repatriation ng mga labi ng isang abugado na nabaril sa Amerika

74

Nakahanda ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na umalalay para sa pagpapa-uwi sa mga labi ni Atty. John Albert Laylo.

Matatandaang si Atty. Laylo ay binaril ng isang Amerikano habang nasa loob ng Uber car kasama ng kaniyang ina sa Philadelphia, USA noong Linggo.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni OWWA Administrator Atty. Hans Leo Cacdac na may ugnayan na sila ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa maaaring itulong sa naulilang pamilya ni Laylo.


Ayon kay Cacdac, hindi Overseas Filipino Worker (OFW) si Laylo sa Amerika kaya tinitingnan nila ang mga maaaring gawin para sa pagpapa-uwi sa labi nito sa Pilipinas.

Una nang nagpaabot ng pakikiramay si Cacdac sa naulilang pamilya ni Laylo at hangad nito na makamit ang hustisya sa sinapit ng kaniyang colleague.

Facebook Comments