Sulu – Natapos na ang Tri-Border Maritime Security ng Pilipinas at Estados Unidos kaugnay sa pagpapatrolya sa Sulu Sea.
Ginamit sa patrolya ang littoral combat ship na BRP Ramon Alcaraz at ang USS Coronado.
Ayon kay Rear Admiral Don Gabrielson, commander ng task force 73 – nais palakasin ng dalawang bansa ang “regional peace and stability” sa at-sea operations sa Philippine Navy.
Layon din nito na matukoy at mapigilan ang anumang sa seguridad ng bansa.
Bukod sa pagpapatrolya, nagpalitan din ng kaalawan ang magkabilang pwersa gaya ng “search and seizure technique at information sharing.
Kabilang din sa babantayan ang piracy at transnational criminal activity sa karagatan.
Nauna nang naglunsad ng joint patrols ang Pilipinas, Indonesia at Malaysia sa karagatan ng Sulu kasunod na rin ng pagsiklab ng gulo sa Marawi City noong nakaraang buwan.