Joint property rights para sa same-sex partners, isinulong ni Senator Marcos

Ikinatuwa ni Senator Imee Marcos ang pahayag ni Pope Francis pabor sa same-sex union o pagsasama ng mga kabilang sa LGBT community.

Kaugnay nito ay inihain ni Senator Imee Marcos ang Senate Bill 417 o panukalang Same Sex Partners Property Relations Act na layuning magkaroon sila ng pantay na karapatan sa bahay, lupa, negosyo o anumang magkatuwang nilang naipundar o tinanggap na regalo.

Ito ay bilang pagbuhay muli ni Marcos sa panawagang bigyang-karapatan ang same-sex partners para sa joint property na halos katulad sa kasal ng heterosexual couples.


Tugon ang panukala sa kawalan ng batas na magsasa-legal sa relasyon ng same-sex couples para payagan ang mga LGBT members na kapwa ma-enjoy ang property rights.

Tiniyak naman ni Marcos sa kanyang panukala ay may mga limitasyon, patakaran o kondisyon laban sa pag-abuso sa same sex relationships.

Facebook Comments