Manila, Philippines – Ikinakasa na ng Mababang Kapulungan ang joint session ng Kamara at Senado kaugnay sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, posibleng magdaos sila ng sesyon bukas o sa Biyernes para dinggin ang deklarasyon na itinakda ng Pangulo sa Mindanao.
Lubos naman ang suporta ni Alvarez sa pagpapasailalim ng Pangulo sa buong Mindanao sa ilalim ng batas militar.
Tama lamang aniya ang naging hakbang ng Pangulo dahil matagal nang problemado ang kanilang rehiyon sa karahasan ng mga terorista.
Pinayapa naman ng Speaker ang publiko sa pagsasabing hindi dapat matakot ang publiko sa martial law na idineklara ng Pangulo dahil mayroon itong safeguards sa ilalim ng konstitusyon.
DZXL558
Facebook Comments