Suporta sa AFP kontra gulo sa Mindanao, panawagan ni Senator Bam Aquino

Manila, Philippines – Nananawagan si Liberal Party o LP Senator Bam Aquino na suportahan ang Armed Forces of the Philippines sa lahat ng kanilang operasyon sa Mindanao.

Diin ni Senator Aquino, mahalaga ngayon ang anumag suporta para sa ginagawang pagtugis ng ating tropa sa mga lawless elements sa Mindanao.

Bukod pa rito ay iginiit ni Senator Bam sa pamahalaan na tiyaking matulungan at mabigyan ng proteksyon ang mga residente sa Mindanao.


Ayon kay Aquino, maging ang ibang grupo ay dapat ding tumulong sa mga taga-Mindanao na ngayon ay inililikas na para huwag madamay sa magiging salpukan ng militar at grupong Maute na kumukubkob sa Marawi City.

Umaasa din si Senator Aquino na pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte ay naiayos ng ng AFP ang sitwasyon sa Mindanao at ligtas na ang mga taga-Marawi.
DZXL558

Facebook Comments