JOINT SESSION | Speaker Arroyo, dapat ipaliwanag ang ₱2.4-B umano’y pork barrel

Manila, Philippines – Naniniwala ang Malacañang na dapat ipaliwang ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang akusasyon ni Senador Panfilo Lacson ang umano ay P2.4 bilyong “congressional insertions” na inilaan sa kaniyang distrito sa panukalang 2019 National budget.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala mang mali sa paglilipat ng pondo para mapakinabangan ng isang distrito ay nararapat lamang na bigyang linaw ang isyu lalo at marami na ang nakapuna rito.

Matatandang sinabi ni Lacson, na galing ang inilipat na pondo sa P56.7 bilyong infrastructure projects mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang ahensiya.


Paliwanag naman ni House Majority Floor Leader at Camarines Sur Representative Rolando Andaya, diskarte naman ng DPWH kung saan maglalagay ng proyekto at hindi sa kanila sa Kamara.

Una nang kinumpirma ni House Committee on Appropriations Vice Chair Maria Carmen Zamora na malaki nga ang nakuhang pondo ng distrito ni Arroyo pero ito aniya ay nasa P1.9 bilyon lamang.

Facebook Comments