JOINT-SUPERVISION | Bilang ng mga Filipino sailors, posibleng tumaas

Manila, Philippines – Inaasahan na tataas ang bilang ng mga enlisted Filipino sailors sa oras na tuluyang maipatupad ang joint-supervision ng Maritime Industry Authority (MARINA) at Commission on Higher Education (CHED) sa mga maritime schools sa bansa.

Ayon kay ACTS-OFW Partylist Representative John Bertiz, dahil sa pagtaas ng Philippine-educated sailors, posibleng malagpasan pa ang 500,000 target ngayong taon na bilang ng mga sailors at staffs sa mga foreign ocean-going vessels kasama na dito ang mga cruise ships at floating casinos.

Partikular naman na tututukan ng MARINA-CHED supervision ang kalidad ng edukasyon sa Bachelor of Science in Marine Transportation at Bachelor of Science in Marine Engineering.


Dapat matiyak ang patuloy na upgrade sa quality ng dalawang education programs upang matiyak ang ‘competitive edge’ ng mga idine-deploy na merchant ship officers sa global labor markets.

Ang mga graduate ng marine education programs sa oras na magkaroon ng lisensya ay nagiging ship officers tulad ng masters, chief mates, officers-in-charge ng navigational watch, chief engineers, second engineers at officers-in-charge ng engineering watch.

Facebook Comments