Joint Task Force, bubuuin upang maibalik ang peace and order sa Negros

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., magtatatag ng Joint Task Force na binubuo ng dalawang brigada at anim na batalyon ang Armed Forces of the Philippines na ide-deploy sa buong Negros Island na tutulong sa Philippine National Police (PNP) upang mahuli ang mga natitira pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel de Gamo at walong iba pa.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr., tutukan ng Joint Task Force ang mga insidente ng karahasan sa Negros Oriental at kanila itong tutuldukan.

Walang eksaktong bilang na ibinigay ang DND at AFP sa komposisyon ng Joint Task Group pero gagawing sistema rito ay re-deployment kung saan ililipat lamang ang mga sundalo mula sa isang area papunta ng Negros Oriental.


Una nang nagpaabot ng pakikiramay si Galvez sa pamilya ni Degamo at iba pang nasawi kasabay ng pagtitiyak na ginagawa nila ang lahat para mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.

Facebook Comments