INTERNATIONAL CRUISE SHIP NA SEVEN SEAS MARINER, DUMAONG SA ISLA NG BORACAY

Boracay, Aklan – Dumaong ang isang cruise ship na MV Seven Mariner sa Isla ng Boracay nitong, March 8, 2023. Naging mainit ang pagtanggap ng gobyerno probinsyal ng Aklan sa mga bisita, sa nasabing international cruise ship. Samantala, binati naman ng maligayang pagdating nina Executive Assistant to the Governor at Cruise Ship in-charge na si Mr. Niven Maquirang, kasama si Ms. Roselle Ruiz, Provincial Tourism Officer at ang lokal na pamahalaan ng Malay, ang mga bisita mula sa naturang international cruise ship. Ang MV Seven Seas Mariner ay isa sa maraming Cruise Ships na nakatakdang dumaong sa isla ng Boracay, ngayong taon.
Facebook Comments