Joint Task Force Covid Shield, tiniyak na pagtutuunan ang pagpigil sa pagkalat ng COVID-19 sa Cebu City

Tiniyak ng Joint Task Force Covid Shield na pagtutuunan nila ang pagpigil sa pagkalat ng COVID-19 sa Cebu City.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, prayoridad nila ito sa ngayon kasunod ng kanyang naging pagbisita sa lungsod kahapon.

Matatandaang mula noong Hunyo 16, 2020 ay nananatiling nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Cebu City matapos makapagtala ng higit 4,400 COVID-19 cases.


Kasabay nito, nagpadala na rin ng higit 100 miyembro ng Special Action Force (SAF) ang pamahalaan para masigurong hindi lumalabas ng kanilang mga bahay ang mga residente.

Facebook Comments