Jolina Magdangal – dedma sa isyu ng pag-unfollow sa kanya ni Kris Aquino sa Instagram

Manila, Philippines – Dedma lang si Jolina Magdangal sa isyu na in-unfollow daw siya ni Kris Aquino sa Instagram.

Say ng aktres, wala siyang alam sa isyu at posibleng gawa-gawa lang ito ng ilang instagram user.

Aniya, ayaw na niyang palakihin pa ang isyu.


Nire-replayan din naman daw siya ni Kris kapag nagte-text siya sa kanya.

Una nang nagpaliwanag ang Queen of All Media na hindi niya alam kung na-unfollow niya si Jolina, gayundin ang co-host nito sa kanilang morning talkshow na si Karla Estrada.

Matatandaang umugong ang mga espekulasyon na may isyu si Kris kina Jolina, Karla at Melai Cantiveros na pumalit sa dati niyang programa na “Kris TV”.

Facebook Comments