Mga Pangarap na Hindi pa Natutupad

Heto na ang mga reaction ng ating mga Best Friend sa katanungang: “Pangarap Mong Hindi pa Natutupad” sa ating iFM Tambayan kasama si BestFriend Sean T. 3-6PM.

1. Makapiling ko sana ang asawa ko sa abroad sabi ni Anne.

2. Ayon kay Kuya George, Manalo ng jackpot sa Lotto.


3. Sabi ni Julius, makapag Day Off ng Sunday at makapagsamba with family.

4. Lumipas ang isang Linggo ng walang maramdamang sakit ayon naman kay Lilibeth.

5. Si Marjorie naman ay makatapos naman ng pag-aral.

6. Magtravel sa Coron at Palawan ayon naman kay Bernie kasama si DJ Sean T.

7. Si Nicalyn naman ay magkaroon na sila ng baby with hubby.

8. Mag around the world naman si Noemi.

9. Si Jane naman ay mag travel sa Canada at Bora.

10. At sandamakmak naman kay Margouz at ito ang makapag aral ule, magkaroon ng magandang work, magkaroon ng maliliit na businesses hanggang sa lumaki at mabili lahat ng luho, makapagtravel at makapunta sa Paris, magkaCondo, may sariling Mansyon, magkaroon ng iPhone, Motor at Ferrari.

Mga pangarap na pwedeng mangyari at matupad kung may kaakibat na sipag at tiyaga, di ba BestFriend?

Facebook Comments