Joma Sison at 37 pang kasapi ng CPP-NPA, ipinapaaresto ng Manila RTC

Image from josemariasison.org

Ipinadadakip na ng Manila City Regional Court sila Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison, asawang si Juliet, at 36 pang miyembro ng komunistang grupo dahil sa kasong murder.

Batay sa arrest warrant na inisyu ni Manila RTC branch 32 Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina, napatunayang sangkot sila sa masaker na naganap sa bayan ng Inopacan, lalawigan ng Leyte noong dekada ’80.

Bukod sa mag-asawang Sison, ipinaaresto din ng hukuman ang mga sumusunod:


  • National Democratic Front of the Philippines (NDFP) senior adviser Luis Jalandoni
  • Dating CPP chairman Rodolfo Salas alyas ‘Ka Bilog’
  • Communist Consultant Leo Velasco
  • Jose Luneta, pangalawang tagataguyod ng Kabataang Makabayan at dating CPP secretary general na namatay noong Mayo 2018 sa bansang Germany
  • NDFP consultant Prudencio Calubid
  • NDFP consultant Sarmiento Eduardo
  • Geronimo Pasetes
  • Francisco Pascual, Jr.
  • Mil Lominion
  • Fortunato Felicilda
  • Benjamin Beringel
  • Quirino Quinawaya
  • Fernando Rachel
  • Pecario Sonana
  • Jesus Solaya
  • Lino Salazar
  • Alfredo Taladro
  • Tito Gabar
  • Muco Lubong
  • Felix Dumali
  • Ciriaca Malimot
  • Luzviminda Orillo
  • Anselmo Balduhesa
  • Alfredo Mabingay
  • Bertino Oroza
  • Bonifacio Padoc
  • Rodrigo Paplona
  • Prescillono Beringel
  • Anastacio Dorias
  • Nick Ruiz
  • Sammy Labarda
  • Charlie Fortaliza
  • Luis Villena
  • Rolando Caballera
  • Donata Lumbrento
  • Luz Abejo

Taong 1992 nang gawaran si Salas ng amnesty ni noo’y Pangulong Fidel V. Ramos matapos hulihin noong 1986.

Sinampahan ng kaso ang grupo ni Sison noong 2006 kaugnay sa mga natagpuang buto mula sa 67 biktima ng New People’s Army (NPA) sa isang shallow grave sa Subang Daku,sa naturang bayan.

Sa isinigawang mass purging ng NPA, 300 katao ang pinaslang ng komunistang grupo dahil pinaghihinaalan silang may koneksyon sa militar.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman sa mga ipinahuhuling pinuno at kasapi.

Facebook Comments