MOPC first time Senators’ forum, inilunsad

Pormal nang sinimulan ng MOPC o Manila Overseas Press Club ang MOPC first time Senators’forum dito sa New World Hotel sa Makati City.

 

Kabilang sa mga opisyal ng MOPC ay ang ating pangulo sa Radio Mindanao Network na si Mr. Eric Canoy na nagdidiwang din ngayong araw ng kanyang ika-animnaput siyam na kaarawan.

 

Ayon kay Ginoong Canoy, layon ng forum na maipahatid sa publiko ng mga opisyal ng gobyerno ang kanilang accomplishments at mga ipapatupad pang programa.


 

Sinabi pa ni Mr. Canoy na hindi lamang mga Senador ang kanilang iimbitahan sa buwanang forum ng Manila Overseas Press Club kundi maging ang mga miyembro ng gabinete.

 

 

Dumating din sa forum ang ilang ambassadors ng ibat-ibang bansa gayundin ang ilang business leaders kung saan nagkaroon sila ng pagkakataon na makapagtanong at makapag-clarify ng mga isyu sa mga bisitang senador.

 

Ang Manila Overseas Press Club ay isang non-stock, non-profit organization ng news correspondents, professionals, mga negosyante, mga opisyal ng gobyerno at community leaders na nagsusulong ng press freedom at freedom of speech.

 

Facebook Comments