Mga hindi bumalik para sa 2nd dose ng COVID vaccine, pinahahanap ng DILG

68

Kinausap na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Unit (LGU) para hanapin ang mga hindi bumalik sa kanilang 2nd dose ng COVID-19 vaccine.

Sa interview ng RMN Manila kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, sinabi nito na pinahahanap na niya sa masrterlist ng mga LGU ang kanilang mga residenteng hindi na bumalik upang personal na sunduin at mabakunahan ng ikalawang dose.


Habang umapela naman ang opisyal sa publiko na hangga’t maaari ay huwag munang mag-walk-in sa mga vaccination site.

Binigyang-diin ni Malaya na isa ang walk-in sa mga dahilan ng “superspreader event” at nakakadagdag lang sila sa stress ng mga vaccinator.

Facebook Comments