Manila, Philippines – Iginiit ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison na may sovereign right ang bawat Pilipino para patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Sison – si Duterte ay kanyang mga taga-sunod ay tila nakakalimutan na nakatanggap lamang ito ng 39 na porsiyento ng mga boto noong 2016 president elections at nasa 61 porsyento ang hindi bumoto sa kanya.
Dagdag pa ni Sison – isang maniniil si Pangulong Duterte at pinapalaganap ang pang-aapi at pang-aabuso sa mga mamamayan.
Ginagamit aniya ng Pangulo ang kanyang mga sundalo at pulis para magkasa ng mass murder at iba pang human rights violations.
Fascist dictatorship ang isinuslong ng Pangulo sa pamamagitan ng charter change at bogus lamang ang federalism.
Ito ang pahayag ni Sison kasabay ng ika-50 anibersaryo ng CPP ngayong araw.