Joma Sison, iginiit na mayroon siyang ‘absolute protection’ kaya hindi pwedeng ipa-deport

Mayroon umanong ‘absolute protection’ si Communist Party of the Philippines founding chairman Joma Sison para hindi siya maipa-deport mula sa Netherlands.

Ito ang iginiit ni Sison matapos sabihin ng Philippine National Police (PNP) na nakikipag-ugnayan na sila sa interpol para mapabalik sa bansa ang Communist Party of the Philippines (CPP) leader.

Kasunod na rin ito ng inilabas na warrant of arrest ng korte laban kay Sison at sa 37 iba pa dahil sa “Inopacan massacre” noong 1980’s.


Ayon kay Sison – walang paraan para mapabalik siya sa Pilipinas dahil protektado siya ng United Nations’ Refugee Convention at ng European Convention on Human Rights.

Binatikos din nito ang kasong isinampa laban sa kanya na aniya’y politically motivated at gawa-gawa lamang.

Samantala, minaliit lang din ni Sison ang panibagong banta ni Pangulong Duterte kagabi na “all-out war” laban sa komunistang grupo.

Wala na aniyang bago sa pahayag ng Pangulo.

Facebook Comments