Handa si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na kumasa sa one-on-one talk kay Pangulong Rodrigo Duterte, pero hindi dapat ito gagawin sa Pilipinas.
Ito ay matapos ihayag ng Malacañang na gusto ng Pangulo si Sison na umuwi ng bansa para makausap niya ito.
Ayon kay Sison – masyadong ‘premature’ para sa kanya na pumunta ng Pilipinas bago ang mutual approval ng comprehensive agreement on social and economic reforms.
Hahayaan niya ang negotiating panels ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na patakbuhin ang peace negotiations sa isang neutral venue abroad.
Giit pa ni Sison – pwede silang magpulong ni Pangulong Duterte pagkatapos ng pormal na pagbabalik ng usapang pangkapayapaan.
Paliwanag pa ng communist leader – malalagay sa alanganin ang peace negotiations kung may mga opisyal ng AFP at PNP na gusto siyang dispatsahin.
Binigyang diin pa ni Sison na ang imperialism, feudalism, at bureaucrat capitalism ang mga pangunahing problema ng mga Pilipino.