Magnitude 4.8 na lindol, yumanig sa Iloilo kagabi

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Iloilo dakong alas-8:19 kagabi

Ayon kay PHIVOLCS Science Researcher Benz Rodriguez – naitala ang pagyanig pitong kilometro timog-kanluran sa bayan ng San Enrique na may lalim na 14 na kilometro.

Aniya, mababa ang episentro ng lindol kaya ramdam ito ng mga residente.


Naitala ang intensity 4 na pagyanig sa bayan ng Tapaz, Capiz; Passi City at Dingle, Iloilo.

Intensity 3 naman sa Iloilo City; La Carlota City, Negros Occidental, at Bacolod City.

Intensity 2 sa Roxas City, Capiz.

Wala naman inaasahang pinsala sa istrakutra at hindi rin inaasahan ang aftershocks.

Facebook Comments